This website provides basic up-to-date information on hepatitis C in languages commonly spoken in Canada.
Hepatitis C is a liver infection that, if left untreated, can lead to serious health problems such as liver failure, liver cancer and early death. When treated, it can be cured. This is why it’s important for you to learn about hepatitis C.
Knowing about hepatitis C transmission, prevention, testing, and treatment can help individuals protect themselves and their loved ones.
This helps make our communities healthier for everyone.
Basahin ang mga sumusunod na sagot para sa mga karaniwang katanungan tungkol sa hepatitis C.
Ang hepatitis C ay isang virus na umaatake sa atay, isang lamang loob na marami ang mahalagang tungkulin sa katawan. Mahalaga ang atay para sa mabuting kalusugan.
Kapag hindi ginamot, unti-unting pinipinsala ng hepatitis C ang atay. Maaari itong mauwi sa malubhang karamdaman katulad ng pagkasira ng atay, kanser sa atay at maagang pagkamatay. Gayunpaman, ang hepatitis C ay nagagamot.
Naipapasa ang hepatitis C kapag ang dugo ng taong may hepatitis C ay nagkakontak sa dugo ng taong walang hepatitis C.
Para sa mga imigrante at bagong dating sa Canada, ang hepatitis C ay pangkaraniwang naipapasa sa kanilang mga bansang pinagmulan. Ito ay dahil sa mahinang patakaran ukol sa kaligtasan ng pangangalagang pangkalusugan. Kabilang rito ay:
Sa Canada, ang hepatitis C ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga kagamitan para sa paggamit ng droga, lalo na ang mga kagamitan para sa pag-iiniksyon ng droga o bawal na gamot.
Ang hepatitis C ay naipapapasa rin:
Sa Canada, ang hepatitis C ay hindi na naipapasa sa pamamagitan ng donasyong dugo o tisyu. Sinimulan ng Canada ang pagsusuri ng donasyong dugo at tisyu para sa hepatitis C noong 1992.
Ang hepatitis C kailanman ay hindi naipapasa sa pamamagitan ng pagyakap, paghalik o paghawak sa isang taong may virus.
Walang bakuna para sa hepatitis C kung kaya’t mahalagang gawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang maiwasan ang pagkakaroon ng hepatitis C. Maraming paraan upang maiwasan ang hepatitis C:
Karamihan sa mga taong may hepatitis C ay walang sintomas nang maraming taon kahit na ang virus ay aktibong namiminsala sa kanilang atay. Maaaring may hepatitis C ka at hindi mo nalalaman. Walang mandatoryong pagsusuri para sa hepatitis C kapag nag-apply ang isang tao para sa permanenteng paninirahan o permanent residency sa Canada.
Ang tanging paraan upang malaman kung ikaw may hepatitis C ay ang magpasuri.
Magtanong sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagsusuri para sa hepatitis C. Kasabay nito, maaaring gusto mo ring magpasuri para sa iba pang mga impeksyon tulad ng gonorrhea, chlamydia, hepatitis B, HIV at syphilis.
Ang hepatitis C ay maaaring magamot! Para sa ilang tao, ang virus ay kusang mawawala sa loob ng unang anim na buwan, ngunit karamihan sa mga tao ay nangangailangan ng paggamot upang gumaling ang impeksyon.
Malayo na ang narating ng paggamot para sa hepatitis C. Kasama rito ay ang paggamot sa loob ng walo o labingdalawang linggo kung saan halos lahat ng may hepatitis C ay gumagaling at gumagaling ito nang kaunti lamang ang mga side effects, kung mayroon man.
Kung ikaw ay may hepatitis C, makipag-usap sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa iyong mga opsyon sa paggamot. Ang mas maagang pagsisimula ng paggamot ay mas makabubuti sa iyong kalusugan.
Ang pagkakaroon ng hepatitis C ay hindi nagbibigay ng immunity o proteksyon. Maaari kang magkaroon muli ng hepatitis C kung ikaw ay minsan pang magka-kontak sa dugong may hepatitis C.
Ang magandang balita ay maaari itong magamot at mapagaling muli!
Ang hepatitis A at B ay iba sa hepatitis C.
Ang hepatitis A ay kadalasang naipapasa sa pamamagitan ng tubig o pagkain na kontaminado ng dumi ng taong may hepatitis A. Maaari rin itong maipasa sa pamamagitan nang malapit na kontak sa isang taong may hepatitis A. Karamihan sa taong nagkakaroon ng hepatitis A ay kusang gumagaling. Kapag nangyari ito, sila ay nagiging immune o protektado sa virus na ito at hindi na maaaring magkaroon muli ng hepatitis A.
Naipapasa ang hepatitis B mula sa isang tao patungo sa isa pang tao sa pamamagitan ng dugo, semilya at likido mula sa ari ng babae. Maaari ring maipasa ang hepatitis B sa sanggol habang ito ay ipinapanganak. Karamihan ng taong nagkakaroon ng hepatitis B ay kusang gumagaling; pagkatapos nito, hindi na sila muling magkakaroon ng hepatitis B. Gayunpaman, ang ilan sa mga taong may hepatitis B ay nauuwi sa chronic o talamak na impeksyon ng hepatitis B. Ito ay mas karaniwan sa mga taong nagkasakit ng hepatitis B habang bata pa. Ang talamak na hepatitis B ay maaaring mauwi sa pangmatagalang problema sa atay. Walang gamot para sa hepatitis B.
Ang pagbabakuna ay ang pinaka mabisang paraan upang maiwasan ang hepatitis A at hepatitis B.
Makipag-ugnayan sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagpapasuri para sa hepatitis C o upang makatanggap ng paggamot at pangangalaga para sa hepatitis C.
Hanapin ang mga serbisyo para sa Hepatitis C sa iyong lugar sa https://whereto.catie.ca.