This website provides basic up-to-date information on syphilis in languages commonly spoken in Canada.
Syphilis is a sexually transmitted infection. When left untreated, syphilis can lead to serious health problems and potentially become life-threatening. It is easily treated when diagnosed promptly. This is why it’s important for you to learn about syphilis.
Knowing about syphilis transmission, prevention, testing, and treatment can help individuals protect themselves and their loved ones.
This helps make our communities healthier for everyone.
Basahin ang mga sumusunod na sagot sa pangkaraniwang katanungan tungkol sa syphilis.
Ang syphilis ay isang STI na mula sa isang uri ng “bacteria”. Karamihan ng mga taong may syphilis ay walang napapansing sintomas. Pagkatapos mahawaan ng syphilis ang isang tao, isang maliit at hindi masakit na singaw ang maaaring lumabas sa ibabaw, sa loob o sa paligid ng parte ng katawan na unang nalantad dito (ari ng lalaki o babae, loob ng puwet o bibig). Kapag hindi nagamot ang impeksyon, maaaring magkaroon ng iba pang sintomas tulad ng pantal o “rashes”, sakit ng ulo at paglalagas ng buhok subalit naglalaho rin ang mga ito sa unang mga ilang buwan.
Mahalagang malaman na kapag hindi nagamot ang syphilis ay nananatili ito sa loob ng katawan at sa huli ay maaaring makapinsala sa “sistema ng utak” (nervous system) at mga organs o lamang loob na maaaring mauwi sa malubhang problema sa kalusugan na posibleng maging banta sa buhay.
Ang syphilis ay nagagamot sa pamamagitan ng antibiotics. Dahil dito, naiiwasan ang higit pang pinsala at napipigilang maipasa ang syphilis sa iba.
Ang syphilis ay kadalasang naipapasa habang nakikipagtalik, kasama rito ang pakikipagtalik gamit ang ari ng babae, puwet, bibig at ang pakikipagtalik na magkaharap.
Madaling naipapasa ang syphilis mula sa buntis patungo sa sanggol habang ito ay ipinagbubuntis o ipinapanganak.
Maaaring maipasa rin ang Syphillis:
Walang bakuna laban sa syphilis kaya mahalagang gawin mo ang iyong makakaya upang maiwasang mahawa ng syphilis.
Maraming paraan upang maiwasan ang syphilis:
Maraming taong may syphilis na walang malinaw na sintomas. Maaaring may syphilis ka at hindi mo nalalaman.
Ang tanging paraan lang upang malaman kung may syphilis ka ay ang magpasuri.
Magtanong sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagsusuri para sa syphilis. Sa pagkakataong ito, maaaring gusto mo ring magpasuri para sa iba pang mga impeksyon tulad ng HIV, gonorrhea, chlamydia, hepatitis B at hepatitis C.
Ang syphilis ay maaaring magamot! Nagagamot ng antibiotics and syphilis at kaunti lamang ang side effects, kung mayroon man.
Kung ikaw ay may syphilis, makipag-usap sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa iyong mga opsyon sa paggamot. Mas makabubuti sa iyong kalusugan kapag mas maagang magamot ang impeksyon.
Ang pagkakaroon ng syphilis ay hindi nagbibigay ng immunity o proteksyon sa iyo. Maaari kang magkaroon muli ng syphilis kung ikaw ay minsan pang magka-kontak dito.
Ang magandang balita ay maaari itong magamot at mapagaling muli.
Ang syphilis ay madaling napapasa mula sa buntis patungo sa kanilang sanggol habang ito ay ipinagbubuntis o ipinapanganak. Ito ay kilala bilang “congenital syphilis”. Ang “congenital syphilis” ay maaaring humantong sa pagkakunan, “stillbirth” o pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan o pagkamatay ng sanggol pagkapanganak nito. Ang mga batang ipinanganak na may syphilis ay maaaring magkaroon ng malubhang problema sa kalusugan at mga “developmental disorders” o pagkaantala sa mental o pisikal na pag-unlad.
Kung ikaw ay buntis o nagbabalak na magbuntis, magpasuri para sa syphilis. Kung ikaw ay nasa patuloy na panganib na mahawa ng syphilis magpagsuri sa buong panahon ng iyong pagbubuntis. Kapag ikaw ay nasuring positibo, magpagamot kaagad upang maiwasang maipasa ito sa iyong sanggol.