This website provides basic up-to-date information on HIV in languages commonly spoken in Canada.
HIV is a virus that, if left untreated, attacks the immune system and can lead to life-threatening infections and cancers. When treated effectively, a person with HIV can live a long and healthy life and can’t pass it on to their partners. This is why it’s important for you to learn about HIV.
Knowing about HIV transmission, prevention, testing, and treatment can help individuals protect themselves and their loved ones.
This helps make our communities healthier for everyone.
Basahin ang mga sumusunod na sagot para sa mga karaniwang katanungan tungkol sa HIV.
Ang ibig sabihin ng HIV ay Human Immunodeficiency Virus. Ang HIV ay isang virus na umaatake sa sistemang panglaban sa sakit o immune system, ang natural na depensa ng katawan mula sa sakit at impeksyon. Ang immune system ay mahalaga para sa maayos na kalusugan.
Kung hindi gagamutin, ang sistemang panglaban sa sakit o immune system, ay lubos na manghihina dahil sa HIV. Kapag nangyari ito, ang katawan ay madaling makakapitan ng malubhang karamdaman at impeksyon. Ito ay kilala bilang AIDS (Acquired Immunodeficiency Syndrome).
Mayroon na ngayung mabisang paggamot na magpapahintulot sa mga taong may HIV na magkaroon ng mahaba at malusog na buhay.
Naipapasa ang HIV kapag ang likido ng katawan na mayroong HIV ay nakapasok sa katawan ng taong walang HIV. Dugo, semilya, likido mula sa ari ng babae, likido mula sa puwet at gatas mula sa tao ay mga likido ng katawan na maaaring mayroong HIV.
Ang HIV ay pangunahing naipapasa sa pamamagitan ng pagtatalik at pakikibahagi ng mga kagamitan para sa pagtuturok ng droga o bawal na gamot. Gayunpaman, alam na natin sa ngayun, na kapag ang taong may HIV ay nakakakuha nang mabisang paggamot, hindi nila maipapasa ang HIV sa kanilang kapareha o partner sa pagtatalik.
Ang HIV ay maipapasa rin sa:
Hindi kailanman naipapasa ang HIV sa pamamagitan ng pagyakap, paghalik o pakikipagkamay, o sa pamamagitan ng mga bagay tulad ng upuan ng toilet, hawakan ng pinto o doorknob, o mga pinggan.
Walang bakuna para sa HIV kaya mahalagang gawin mo ang iyong makakaya upang maiwasang makuha ang HIV.
Maraming paraan upang maiwasan ang HIV:
Karamihan ng mga taong may HIV ay walang sintomas nang maraming taon kahit na ang virus ay aktibong namiminsala sa kanilang sistemang panglaban sa sakit o immune system. Maaaring may HIV ka at hindi mo nalalaman.
Ang tanging paraan lang upang malaman kung may HIV ka ay ang magpasuri.
Magtanong sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagsusuri para sa HIV. Kasabay nito, maaaring gusto mo ring magpasuri para sa iba pang mga impeksyon tulad ng gonorrhea, chlamydia, hepatitis B, hepatitis C at syphilis.
Walang lunas para sa HIV subalit sa pamamagitan ng wastong paggamot at pangangalaga, ang mga taong may HIV ay maaaring magkaroon ng mahaba at malusog na buhay.
Malaki na ang ikinabuti ng paggamot para sa HIV. Ang paggamot ay lubos nang mabisa at kakaunti, kung mayroon man, ang mga side effects.
Kung ikaw ay may HIV, makipag-usap sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa iyong mga opsyon sa paggamot. Ang mas maagang pagsisimula ng paggamot ay mas makabubuti para sa iyong kalusugan.
Ang HIV ay ang virus na umaatake sa immune system o sistemang panglaban sa sakit. Kapag lubusang humina ang immune system, ang katawan ay madaling kapitan ng malubhang sakit at impeksyon, ito rin ay kilala bilang AIDS. Ito ay ang malubhang yugto ng impeksyon ng HIV. Gayunpaman, sa pamamagitan nang wastong paggamot, marami sa mga taong may HIV ay maaaring magkraoon nang mahaba at malusog na buhay nang hindi nagkakaroon ng AIDS.
Makipag-ugnayan sa isang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagpapasuri para sa HIV o upang makatanggap ng paggamot at pangangalaga para sa HIV.
Hanapin ang mga serbisyo para sa HIV sa iyong lugar sa https://whereto.catie.ca.